Sunday, August 2, 2020

Mga Uri ng Pusa


1. Pusang Photographer
Ito yung pusang may sariling  camera at kung ano ano ang pinipicturan. Imbes na hulihin ang dumaraang daga ay kukunan lang ito ng litrato.
Photo credit: Lady fb page

2. Pusang pacute lang
Ito yung pusang kahit walang ginagawa ay maaagaw ang iyong atensyon. Tila kaysarap kargahin at alagaan. 
Photo credit: Funny Cats World fb page

3. Pusang yayamanin
Ito yung pusang maraming pera, mga dollar pa. Kaya niyang bilhin ang lahat ng catfood sa bansa.

Photo credit: Funny Cats fb page

4. Pusang genius
Ito yung matalinong pusa at mahilig magbasa. Laging updated sa mga news at current events. Pero mukhang masungit
Photo credit: Lady fb page

 5. Pusang clingy
Ito yung pusang gustong laging i-hug at i-kiss. Parang laging may pinagdadaanan. 
Photo credit: Funny Cats fb page

6. Pusang sosyal
Ito yung pusang may sariling jewelries at ginagawang bathtub ang lababo. Laging malinis at nagmamaganda.
Photo credit: Funny Cats fb page

7. Pusang Dora
Ito yung pusang nakabangs pero bagay naman sa kanya. Tulad ni Dora ay layas din na pusa.
Photo Credit: Funny Cats Videos

8. Pusang mahilig magselfie
Ito yung pusang selfie ng selfie kahit saan. Marunong din magwacky at magpacute.
Photo credit: Funny Cats Club

9. Pusang health conscious
Ito yung pusang umiinom ng gatas at kumakain ng healthy foods. Pero hindi nagpapakalabis at minimaintain ang tamang laki ng katawan.
Photo Credit: Funny Cats fb page

10. Pusang puyat
Ito yung pusang tulog ng tulog kahit saan. Parang nakipag-inuman nang nagdaang gabi.
Photo credit: Funny Cats World fb page

11. Pusang workaholic
Ito yung pusang subsob sa trabaho. Kahit nasa bahay ay may dalang trabaho. 
Photo Credit: Funny Cats fb page

12. Pusang easy go lucky
Ito yung pusang easy easy lang sa buhay. Hindi pinoproblema ang mga bagay bagay. Enjoy lang.
fb photo

13. Pusang emotional
Ito yung pusang iyakin at masyadong maramdamin. Napagalitan lang ng konti ay teary-eyed na. Umiiyak kapag naubusan ng ulam.
fb photo

14. Pusang kulang sa exercise
Ito yung pusang sobrang taba. Hindi nageexercise kundi masipag kumain kaya nahihirapan nang kumilos dahil sa bigat ng katawan.
fb photo

15. Pusang sweet
Ito yung pusang malambing. Nanghihingi pa ng goodnight kiss bago matulog. Pero mabilis din magtampo kapag hindi pinapansin.
fb photo





Earn Free Bitcoins every hour.

https://freebitco.in/?r=15944810