Tuesday, January 5, 2021

Paano gamitin ang coins.ph



Ang coins.ph ay isang mobile app na pwedeng lagyan ng pera. Madali lang itong gamitin at ito ay user-friendly. Maraming pwedeng paggamitan nito. Narito ang ilan sa mga pinaggagamitan ng coins.ph app:

1. Magexchange o bumili ng cryptocurrency. Sa coins.ph, pwede kang magconvert mula sa Peso wallet at gawing bitcoin (BTC), bitcoin cash (BCH), etherium (ETH) o ripple (XRP). 

2. Gawing crypto wallet. Pwedeng gawing crypto wallet ang coins.ph. Kapag magrereceive ka ng mga cryptocurrencies, maaari mong gamitin ang crypto address mula sa coins.ph. Pwede ka ring magtransfer ng cryptocurrency mula sa iyong coins.ph wallet tungo sa ibang crypto wallet o kaya'y sa mga crypto trading platforms. 

3. Magpadala ng pera. Maaaring magsend ng cash gamit ang coins.ph. Pwede kang magpadala sa iba na meron ding coins.ph. Pwede ring magpadala sa Gcash at Paymaya. Pwede ka ring magpadala gamit ang iyong coins.ph app sa LBC, MLhuiller at Palawan Express Pera Padala. Pwede ring magtransfer mula sa iyong coins.ph wallet tungo sa isang bank account. Available ito sa BPI, Metrobank, Unionbank, Security Bank, Landbank, Eastwest, PNB, Chinabank, PS Bank at RCBC. 

4. Magbayad ng bills. Pwedeng gamitin ang coins.ph sa pagbabayad ng bills para hindi ka na pumila sa mga bayad centers. Pwedeng magbayad dito ng loan mo sa Home Credit, sa mga credit cards, Pag-IBIG at iba pa. Pwede rin magbayad sa kuryente at tubig gamit ang coins.ph app (available sa Meralco, Davao Light, Palawan Electric Cooperative, VECO, Manila Water, Maynilad, Agoncillo Water District, Batangas City Water District, Cabanatuan City Water District, Camarines Norte, Water District, Camiling Water District, City of San Fernando Water District, Daraga Water District, Floridablanca Water District, Guagua Water District, Ilocos Norte Water District, Jaen Water District, Laguna Water, Lemery Water District, Lingayen Water District, Marilao Water District, Metro Ozamiz Water District, Metro San Fernando Water District, Meycauayan City Water District, Paniqui Water District, Prime Water, San Carlos Water District, San Jose Water District, San Pedro Water District, Sorsogon City Water District and Subic Water District) Sa credit cards naman available dito ang BPI, Metrobank, RCBC Bankard at Tiaong Rural Bank. Pwede ring magbayad ng bill para sa iyong broadband tulad ng Converge ICT, Globe Broadband, Innove Communications Inc. at Smart Broadband. Maaari ring magbayad ng inyong cable gamit ang coins.ph, available ito sa Cablelink, Cignal Postpaid at Prepaid (e-pins), Destiny Cable Inc., Sky Cable at Wi-Tribe. Pwede ring magbayad ng insurance kung ikaw ay planholder ng Fortune Care o BIMA Philippines. Para naman sa bills sa mga Telecom, pwedeng magbayad ang mga subscribers ng ABS-CBN mobile, Bayantel, Globe Telecom, PLDT, Smart Communications Inc. 

5. Bumili ng load. Napakadaling gamitin ng coins.ph sa pagbili ng load para sa iyo man o sa iba. Instant ito at available ang lahat ng networks. Ang maganda pa dyan, makakatanggap ka ng 10% rebate sa unang P2000 na mailoload mo sa isang buwan. 5%  naman kapag lampas na ng P2000.

6. Magdonate sa mga charity o foundations. Pwedeng magdonate ng cash online gamit ang coins.ph app. Pwedeng magdonate sa Caritas Manila, Gawad Kalinga, Philippine Animal Rescue Team (PART), YesPinoy Foundation Inc. at iba pang mga charity organizations.

Madali lang magdownload ng app na ito at magregister upang makapagsimula ng iyong mga transactions. Kailangan dito ang valjd ID upang maging verified ang account mo at mas maraming features ang magamit mo.