Dahil sa COVID-19, nalilimitahan ang paglabas ng bahay ng mga tao. Kaya naman sa pamimili, in-demand ngayon ang pagsa-shopping online. Isa sa mga patok na online shopping app ngayon ay ang Shopee App. Pero maliban sa pagsha-shopping ay may iba ka pang pwedeng gawin sa Shopee app. Narito ang ilan:
1. Maglaro ng mga Games
Pwede kang maglaro ng mga games sa Shopee app para malibang kapag wala kang maisip na gagawin. Sa paglalaro ng mga games sa Shopee app pwede kang makaearn ng Shopee coins at vouchers. Narito ang mga games sa Shopee app:
a. Shopee candy
Parang Candy Crush lang din ito. Papagdikit dikitin lang ang mga magkakaparehong candy. Sa bawat level na mabubuksan ay makakakuha ng points na pwedeng i-convert sa coins.
b. Shopee Farm
Mag-aalaga ka lang ng halaman. Didiligan ito araw araw hanggang sa magharvest.
c. Shopee claw
Parang laro lang ito sa Timezone o Quantum, may pang-ipit at susubukang kumuha ng mga stuffs gamit ito. Pwedeng manalo ng coins, vouchers o extra life dito.
d. Shopee Hourly Prizes
Papaputokin lang ang itlog isang beses kada oras at pwedeng makakuha ng coins at vouchers.
e. Shopee Poly
Ihahagis lang ang dice at depende sa dots na lumabas kung saan matatapat. Pwedeng madagdagan ang points, pwede ring mabawasan. Pwede ring stuck at home o kaya ay chances para makakuha ng gift mula sa Shopee. Ang points ay pwedeng i-convert sa coins.
f. Shopee Throw
Ihahagis lang ang mga kutsilyo upang tumama sa bilog na umiikot. Bawat kutsilyo na tumama sa bilog ay points ang katumbas na pwede ring i-convert sa coins.
g. Shopee Shake
Ishi-shake lang ang phone at pwede nang manalo ng cash prizes, coins at iba pa. May oras lang kung kailan pwedeng maglaro.
h. Piso Game
Magbabayad ng piso (P1.00) para makakuha ng Daily Prize Token para magkaroon ng tsansang manalo. Ang resulta ay nalalaman pagkalipas ng 24 oras pag natapos na ang laro. Kapag ikaw ang nanalo, pwede mong bilhin ang item na at stake sa halagang piso (P1.00).
i. Daily Prize
Kailangan mo ng 1 coin para makapaglaro nito. Iki-click lang ang Mystery Box at pwedeng manalo ng mga prizes.
2. Manood ng Live Stream
Kung wala ka namang ginagawa, pwede kang manood ng mga Live Stream sa Shopee. Kapag nanonood ka, tuwing 5 minuto pwede kang mag-claim ng coins, pwedeng 0.1 coins o 0.2 coins, minsan naman ay 0.5 coins. May mga naglalive stream upang magbenta ng mga items. Meron ding nagbibigay ng mga tips sa buhay, work-out tips, beauty tips, skin care routines at iba pa. Meron ding nagpapagames at nagpaparaffle kung saan pwedeng manalo ng load, gcash o iba pang papremyo.
3. Magbasa ng Shopee Blog
Sa mga mahilig magbasa ay meron ding shopee blog kung saan mababasa ang mga informative articles. Meron itong mga features category tulad ng Trending News, Parenting at Fashion & Beauty.
Ang mga coins na nakolekta mo sa Shopee ay pwedeng iredeem bilang vouchers (discounts o free shipping)
Meron ding Health and Safety Guide sa Shopee kung saan makikita ang mga impormasyon para manatiling malusog at ligtas sa panahong ito.
Madadownload ang Shopee sa Playstore. Pwedeng gamitin ang Referral Code sa ibaba upang makakuha ng P100 off sa iyong unang purchase.
Ads:
Bitcoin earning site. Faucet, Ad viewing & Games.
http://cointiply.com/r/kGw00
No comments:
Post a Comment