Sunday, July 12, 2020

Mensahe ng mga Netizens Para sa ating mga Frontliners.

Photo credit: KISS Country 99.9 fb page

Sa panahong ito ng pandemya, itinuturing na mga bagong bayani ang mga frontliners na patuloy na naglilingkod sa gitna ng panganib na dulot ng COVID-19 sa kanilang buhay. Patuloy silang nagsasakripisyo sa paglaban sa corona virus. Kaya marapat lamang silang bigyan ng pagkilala at pagpapahalaga.

Sa post ng Mr.Vhin facebook page, hiningan ng mensahe ang mga netizens kung ano ang kanilang masasabi sa ating magigiting na mga frontliner. May mga tumugon at nagpahayag ng mensaheng nais nilang iparating sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagcomment sa post na iyon.


May mga nagsabi na saludo sila sa mga frontliners at sana ay mag-ingat sila. Ipinapanalangin rin nila ang mga frontliners.


Mayroon namang nagpahayag ng pagpapahalaga sa matatapang na mga frontliners at inaappreciate ang kanilang pagsasakripisyo.


May nagpasalamat at tinawag ang mga frontliners na 100% diplomatic heroic people.


May nakaappreciate din sa mga frontliners na nagsasakripisyo na hindi makasama ang kanilang pamilya. At nagsabi rin na nawa'y matapos na ang pandemyang ito.


Meron din naman nagsabi na mag-ingat daw sa plandemic. Marahil meron syang ibig sabihin nang pananalitang plandemic.


At meron ding nagdedicate ng picture collage para sa mga frontliners kasama ng isang heart-warming message. Maganda ang mensahe ng kanyang collage at kitang-kita ang effort na ibinigay niya para gawin ito. Idiniin nya rin sa kanyang mensahe ang pagkakaisa at pagtutulungan para malabanan ang virus.


Talagang nagpapasalamat tayo sa ating mga frontliners sa kanilang pagsasakripisyo at makabuluhang paglilingkod!

Ads:
Hi, I've been loving GCash so far, and was hoping you'd join me. I've shared PHP 70 worth of freebies for you to try it out: https://gcsh.app/r/FoJV8IF

No comments:

Post a Comment